Putol-kamay sa dinamita
LINGAYEN, Pangasinan, Philippines — Maging aral sana ang naganap na insidente sa isang mangingisda na naputulan ng kamay matapos na sumabog ang dinamita na ginagamit nito sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Capandanan, Lingayen Gulf kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na nakarating sa Pangasinan police office, naputol ang kanang kamay ni Zaldy Salva makaraang sumabog ang dinamita na kanyang hawak habang si Virgilio Castro naman ay nasugatan.
Naisugod naman ang dalawa sa Jesus Nazarene Hospital. (Cesar Ramirez)
- Latest
- Trending