P814 milyong pondo para sa Albay
LEGAZPI CITY, Philippines – Umaabot sa P814 milyong pondo ang inilaan ng provincial government ng Albay para sa proyektong pagdugtungin ang kalsada mula sa bayan ng Guinobatan at Jovellar sa Albay tungo sa bayan ng Butanding, Donsol, sa Sorsogon. Ayon kay Albay Gob. Joey Salceda, ang kalsada ay isa lamang sa anim na malalaking proyektong may pondo sa mula sa Millenium Challenge Account Philippines Compact Project (MCAPCP) ng America. “Ang Guinobatan-Jovellar-Donsol road na nakadugtong sa Maharlika Highway ay magbibigay ng oportunidad sa ekonomiya ng Albay at Sorsogon sa pamamagitan ng economic integration na magsisilbi ring direktang kalsada tungo sa Donsol ang tirahan ng mga butanding,” paliwanag ni Gov. Salceda. Noong Mayo 6 ay naipasa na ng Bicol Regional Development Council (RDC) na pinamumunuan ni Gobernador Salceda, para umpisahan na ang nasabing proyekto. Maging ang deputy na si Darius Teter, Darius Nassiry, country director ng compact development at si Jerry Dutkewych, director ng country relations sa DOF Boardroom sa pamumuno ni John Newko ay kabilang sa nag-aproba ng pondo. Ed Casulla
- Latest
- Trending