^

Probinsiya

Ex-vice mayor, 2 pulis kalaboso

-

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang bi­ nag­sakan ng ex-vice mayor at apat pa nitong kasamahan kabilang ang dalawang pulis matapos maaresto dahil sa pag-iingat ng mga baril, bala at uniporme ng PNP at AFP sa Brgy. Cabalawan, Taclo­ban City, Leyte kamakalawa.

Isinasailalim sa tactical interrogation ang mga sus­pek na sina ex-Tipo-Tipo, Basilan Vice Mayor Muamar Lajid, SPO1 Darussalam Saguindilan ng Police Security and Protection Group sa Camp Crame at residente ng Country Home, Phase 4, Ayala Subd., Zamboanga City; PO3 Zaldy Sadjail ng Police Regional Office (PRO) 9; Muamar Lajid, at si Jerhan Pising.

Sa police report na naka­rating sa Camp Crame, hina­rang sa checkpoint ng mga tauhan ng Regional Security Operations Group (RSOG) at Regional Mobile Group (RMG) 8 ang kulay puting Nissan Frontier pick-up (NFI 688) ng mga suspek.

Nang sitahin ang mga suspek ay walang maipaki­tang kaukulang dokumento na magpapatunay na legal ang kanilang pagbibiyahe ng mga armas, bala at mga ka­gamitan ng pulis at militar ka­bilang ang mga uniporme na nakalagay sa walong kahon.

Nasamsam mula sa mga suspect ang 2- cal. 45 pistol, na may dalawang magazine at siyam na bala, dalawang maikli at mahabang magazine na may 28 bala, isang housing assembly ng M60 light machine gun, isang ma­habang magazine ng M16 rifle, 1,117 bala ng M16 rifle at ang walong kahon ng mga uniporme ng pulis at militar gayun­din ang iba pang mga kagamitan. Joy Cantos

AYALA SUBD

BASILAN VICE MAYOR MUAMAR LAJID

CAMP CRAME

COUNTRY HOME

DARUSSALAM SAGUINDILAN

JERHAN PISING

JOY CANTOS

MUAMAR LAJID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with