^

Probinsiya

Bata ni-rape, inutas ng adik

-

PANGASINAN , Philippines  – Isa na namang malagim na krimen ang naitala sa police blotter matapos matagpuan ng mga aw­to­­ridad ang bangkay ng batang babae na pinanini­wa­laang hinalay ng kanyang kamag-anak na lalaki na pina­niniwalaang adik sa droga bago inabandona sa isang poso-negro malapit sa kawayanan sa Barangay Langiran, Ba­yam­bang, Pangasinan noong Sabado ng hapon.

May pa­latandaang sinakal hanggang sa mamamatay ang bik­timang si Juliet Ramos, 4, habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Jose Ramos na nakipagtulungan pa sa paghahanap sa bata.

Ayon kay PO2 Larry Cayabyab, huling namataang buhay ang biktima na kasama ang suspek bago iniulat na nawala noong Biyernes ng gabi at natagpuan may 100 metro ang layo mula sa tahanan ng pamilya Ra­mos. Narekober ng pulisya sa crime scene, ang kaliwang tsinelas na pag-aari ng suspek kung saan kinumpirma pa ng asawa nito. (Cesar Ramirez)


vuukle comment

AYON

BARANGAY LANGIRAN

BIYERNES

CESAR RAMIREZ

ISA

JOSE RAMOS

JULIET RAMOS

LARRY CAYABYAB

NAREKOBER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with