Guro nilikida sa kampo
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang paghihiganti ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang guro ng elementarya sa panibagong karahasang naganap malapit sa Camp Brig. Gen. Salipada Pentadun, Brgy. Making sa bayan ng Parang, Maguindanao noong Miyerkules ng hapon.
Naisugod pa sa Dra. Lagas Medical Clinic subalit idineklarang patay si Perdito Lipon, 50, teacher sa Making Elementary School. Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na si Noel Guerrero. Ayon sa police report na nakarating sa Camp Crame, lulan ng motorsiklo ang biktima para dumalo sana sa misa sa loob ng kampo ng pulisya nang harangin at saksakin ng suspek. Joy Cantos
- Latest
- Trending