^

Probinsiya

Kinidnap na anak ng NPA chief pinatay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bangkay na nang matag­puan ang gurong anak ng isang kumander ng New People’s Army na dinukot kamakalawa ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Davao City, ayon sa ulat kahapon.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines-Eastern Min­ danao Command Spokesman Major Randolph Ca­bangbang na dakong alas-6:30 ng gabi kamakalawa nang madiskubre ang bang­kay ng biktimang si Robelyn Pitao, 21 anyos, at guro sa St. Peter School sa Toril ng lungsod na ito.

Si Robelyn ay anak na babae ni NPA leader Leon­cio Pitao alyas Commander Parago na aktibong kumi­kilos sa Davao-Compostela Valley area.

Ayon kay Cabangbang, ang bangkay ni Robelyn ay natag­puang nakadapa sa isang irrigation canal sa Purok 6, Brgy. San Isidro, Carmen, Davao del Norte.

Ang biktima ay may tat­long tama ng saksak sa dib­dib at tanging underwear la­mang ang suot nang matag­puan.

Narekober ng mga nag­respondeng awtoridad sa crime scene ang isang itim na slacks, puting blazer, isang sinturon at isang singsing.

Noong Miyerkules ng gabi dinukot ng mga arma­dong kalalakihan na lulan ng puting Toyota Revo na may plakang LPG-588 ang bik­tima sa bisinidad ng Bago Galera, Tolomo highway ma­lapit sa Apo Golf ng lung­sod na ito.

APO GOLF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES-EASTERN MIN

BAGO GALERA

COMMAND SPOKESMAN MAJOR RANDOLPH CA

COMMANDER PARAGO

DAVAO CITY

DAVAO-COMPOSTELA VALLEY

NEW PEOPLE

NOONG MIYERKULES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with