^

Probinsiya

Bulkang Mayon nagtala ng 10 pagyanig

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtala ng 10 volcanic earthquakes ang Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras, ayon sa latest monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs, nagtala rin ang bulkan ng pagluwa ng nasa 1,494 tonelada ng asupre at katamtamang pagsingaw na napadpad sa timog-kanluran at kanluran-hilagang kanluran ng bulkan.

Nagtala rin ang Mt. Mayon ng pamamaga na may panandaliang pag-impis sa hilagang-silangan.

Dulot nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng publiko sa loob ng anim-kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone at paglipad ng anumang aircraft sa tuktok ng bulkan dahil sa inaasahang pagguho ng bato, pagtilamsik ng mga tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava at Uson at katamtamang pagputok.

Ang Bulkang Mayon ay nasa ilalim ng Alert Level 3 na nangangahulugan na may mataas na aktibidad.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with