^

Probinsiya

Kawani ng Comelec ginilitan

-

LEGAZPI CITY, Albay – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 45-anyos na kawani ng Commission on Elections (Comelec) matapos saksakin at ginilitan ng ‘di-pa kilalang mag­nanakaw na nanloob sa kanyang kuwarto kahapon ng madaling-araw sa Barangay Centro sa bayan ng Placer, Masbate. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Romeo Cahandab, na pinanini­wa­laang nanla­ban kaya pinaslang. Ayon sa pulisya, may pala­tan­daang pagna­nakaw ang motibo ng pamamaslang dahil nawa­wala ang cell phone, gintong singsing, relo, at ang pitaka ng bik­tima. (Ed Casulla )

2 Globe cell site sinabotahe

Naghasik na naman ng terorismo ang mga rebeldeng New People’s Army na sinasabing may kaugnayan sa revolutionary tax matapos na pasabugin ang dalawang cell site ng Globe Telecoms sa Compostella Valley at Davao City, ayon sa ulat ka­ha­pon. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, sina­botahe ng mga rebelde ang Globe Monopole Tower sa bisinidad ng Paquibato District sa Davao City. Samantala, iniulat naman ni P/Senior Supt. Ronald de la Rosa, na sinunog din ng mga rebelde ang isa pang Globe cell site sa Brgy. Napnapan, Pantu­kan sa Compostella Valley. (Joy Cantos)

Negosyante itinumba

BATANGAS – Isa na namang negosyante ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa harap ng kanyang tindahan sa bayan ng Sto.Tomas, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Jesus Gatchalian, Batangas police director, ang biktimang si Alejandro Balila, 44, ng Barangay Simlong, Batangas City at may-ari ng Med Tech Diesel Calibration. Ayon sa police report, nakaupo si Balila sa kanyang motorsiklo sa harap ng kanyang tindahan sa Barangay San Roque nang lapitan at pagbabarilin ng nag-iisang lalaki bandang alas-10 ng umaga. Arnell Ozaeta

ALEJANDRO BALILA

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY CENTRO

BARANGAY SAN ROQUE

BARANGAY SIMLONG

COMPOSTELLA VALLEY

DAVAO CITY

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with