^

Probinsiya

Nanunog dahil sa mass layoff

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Pinaniniwalaang malawakang sibakan sa trabaho ang isa sa motibo kaya sinunog ang isang heavy equipment ng Japan-owned Sumifru Corporation sa Sitio Tomontong, Barangay Datu Celo sa bayan ng Magpet, North Cotabato, noong Valentine’s Day. Ayon sa police report, iniwan lang ng backhoe operator ang kanyang unit sa git­nang bahagi ng plantasyon ng saging sa may boundary ng Barangay Datu Celo at Basak, noong umaga ng Sabado. Pag­balik ng operator ay sunog na ang kanyang unit na sinasabing pag-aari ng kontratistang si Benjamin Tan na nakabase sa Davao City. Dalawang anggulo ang tinitingnan ng pulisya kung saan inside job ang panununog o kaya ay may kinalaman sa naganap na mass lay-off ng Sumifru Corporation na karamihang nasibak ay mga residente ng Magpet. Malu Manar

2 MILF utas sa encounter

MANILA, Philippines - Dalawang armadong miyembro na grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na napaslang ka­hapon ng madaling-araw  makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Brgy. Upper Dado, Alamada, North Cotabato. Sa report ng Army’s 6th Infantry Division (ID), ang sagupaan ay nag-ugat sa pag-atake ng rebeldeng MILF renegades sa detachment ng Cafgu at Civilian Volunteer Organization. Nagpaputok ang mga uma­atakeng kalaban ng 60mm mortar at rocket propelled grenade kung saan isang sibilyan ang naiulat na nasugatan na nakilalang si Rafael Gabrido. Sa kasagsa­gan ng bak­bakan ay napatay ang dalawang MILF  na inaban­dona ng mga nagsitakas na kasamahan sa takot na lalong mala­gasan. Kaugnay nito, umabot na sa 200 pamilya ang na­apek­tuhan dahil sa patuloy na kaguluhan. Joy Cantos

22 tiklo sa illegal fishing

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 22-katao maka­raang maaresto ng mga awtoridad sa illegal fishing sa karagatang sakop ng Malolos City, Bulacan. Kabilang sa mga mangingisda na kinasuhan ay sina Francis Noel Le­gaspi, Perry Mojena, Cerilo Almario, Fedelito Victoria, Agha­min Marquez, Domingo Hepa, Guillermo Dela Cruz, Magno Marquez, Melvin Pio, Richard Mora­leda, Leopoldo Roque, Rosauro Roque 38, may-asawa, Marvin Guevarra, Orlando Cruz,Tony Aguilar, Renito Villoga, Norberto Docabo, Miloy Rapiro, Rodrigo Patenia, Bong Arroyo ng Subic, Zambales, Raymond Avilla, at si Ruel Genata. Nakumpiska ang 6-bang­kang de-motor, 6-sudsod, mga lambat, kawayan at 16-ban­yera na naglalaman ng mga iba’t ibang uri ng isda. Boy Cruz

BARANGAY DATU CELO

BENJAMIN TAN

BONG ARROYO

BOY CRUZ

CERILO ALMARIO

CIVILIAN VOLUNTEER ORGANIZATION

DALAWANG

NORTH COTABATO

SHY

SUMIFRU CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with