^

Probinsiya

Convenience store sa Cavite hinoldap, 2 arestado

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Convenience store sa Cavite hinoldap, 2 arestado
Hindi na nakapalag ang dalawang suspek sa panghoholdap sa isang kilalang convenience store sa Dasmarinas City nang masukol sa ikinasang follow-up operation ng pulisya sa Brgy. Bucandala 5, Imus City, Cavite.
Cristina Go Timbang

CAVITE, Philippines — Isa isa na namang sa­ngay ng kilalang convenience store sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City ang pinasok at hinoldap ng dalawang lalaki na matagumpay na naaresto ng pulisya sa hot pursuit operation, kamakalawa.

Sa ulat ng Dasmarinas City Police, naganap ang insidente bandang ala-1:45 ng madaling araw sa Alfamart-Pasong Bayog Branch sa Brgy. Burol Main. 

Sa imbestigasyon ng pulisya, magkasunod na pumasok ang dalawang suspek na kapwa naka-facemask. Agad silang bumunot ng maiksing at nagdeklara ng hold-up saka tinutukan nila ng baril ang mga staff ng store na sinabihang  papatayin kapag nag-ingay. 

Mabilis na nilimas ng mga suspek ang pera na kinita ng tindahan at mga cellphone ng mga biktima. 

Batay sa salaysay ng mga staff, ­kapwa nakasuot ng jacket na my hood ang dalawang suspek, isa rito ang nakasuot din ng sumbrero na kulay green.

Matapos malimas ang mga pera at cellphone, mabilis na lumabas ng store ang mga suspek, at naglakad lamang patakas. 

Sa isinagawang follow-up operation ng Dasmarinas City Police kasunod ng isinagawang backtracking ng mga CCTV sa lugar, natukoy ang mga suspek at naaresto dakong alas-6 ng gabi, kaparehong araw sa Brgy. Bucandala 5, Imus City. Positibo silang kinilala at itinuro ng mga staff ng nasabing convenience store. 

Narekober sa mga suspek ang isang 9mm pistol, isang cal. 22 at mga bala. 

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with