NPA leader huli ng CIDG Calabarzon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang hinihinalang lider ng New People’s Army (NPA) na pinaghahanap dahil sa umano’y terorismo na aktibidad sa Batangas ang nadakip sa ilalim ng “Oplan Tugis” ng pulisya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City, Metro Manila, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni Col. Ganaban Ali, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Calabarzon regional director, ang suspek na si Edwin Rabino Egar alyas “Kambo”, 61, at residente ng Rosario, Batangas.
Hindi umano nanlaban ang suspek sa pag-aresto nang makorner siya ng mga operatiba ng CIDG-Calabarzon at iba pang law enforcement agencies sa arrival area ng airport sa kahabaan ng Andrews Avenue dakong alas-6:10 ng umaga.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 7 sa Batangas City noong Enero 29, 2024 dahil sa paglabag sa Republic Act 1,2024. ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012. Inirekomenda ng korte ang piyansang P200,000.
Si Egar ay dati umanong regional coordinator ng Karapatan-Southern Tagalog at nauugnay mula sa isa sa 16 underground organization na tinukoy sa isang ulat ng Anti-Terrorism Council. Nakalista rin siya bilang No. 2 most wanted person ng nasabing rehiyon.
Ayon sa ulat ng CIDG-4A, nagbigay umano si Egar ng P100,000, isang sako ng bigas, tinapay at samu’t saring de-lata sa mga miyembro ng Southern Regional Military Area 4C ng Southern Tagalog Regional Party Committee, na iniugnay ng mga awtoridad sa Communist Party of the Philippines-NPA-National Democratic Front na kumikilos sa Batangas.
Ang kaso laban kay Egar ay inihain ng Delta Company ng 59th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Office of the City Prosecutor sa Batangas City noong Oktubre 6, 2023.
- Latest



















