^

Probinsiya

Mister, tinodas ng lover ni misis!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Mister, tinodas ng lover ni misis!
Batay sa ulat ni PLt. Col. Marcelino Platino, OIC chief ng Lucena Component City Police Station, nagtungo ang biktimang si alyas “Mark” sa bahay ng kapatid ng kanyang dating asawa at pinuntahan ang babae sa silid nito dakong alas-3:30 ng madaling araw. 
File

LUCENA CITY, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 36-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng umano’y kinakasama ng kanyang dating asawa dahil sa pamimilit ng sex o “esmeringhoy” bunsod ng matinding komprontasyon kahapon ng madaling araw sa Barangay Ilayang Iyam, sa lungsod na ito. 

Batay sa ulat ni PLt. Col. Marcelino Platino, OIC chief ng Lucena Component City Police Station, nagtungo ang biktimang si alyas “Mark” sa bahay ng kapatid ng kanyang dating asawa at pinuntahan ang babae sa silid nito dakong alas-3:30 ng madaling araw. 

Lasing umano ang biktima at pinilit sumiping sa dating asawa. Nang tumanggi ang babae ay pinuwersa at sinuntok pa umano siya sa mukha ng dating mister. 

Dahil dito, tinawagan ng babae ang kanyang bagong kinakasama na si alyas “Kevin”, na agad namang sumugod sa lugar.

Nang lumabas umano ang biktima na may dalang kutsilyo, inagaw ito ng suspek at pinagsasaksak ang una sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek at inihahanda ang kasong criminal na isasampa laban dito.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with