^

Probinsiya

Bangkay ng Iranian natagpuan sa Cebu

-

Patay na nang matag­puan ng mga awtoridad ang isang estudyanteng Iranian sa Cebu City ka­ma­kalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Aschcan Aminian, 20 taong gulang, isang 4th year BS Biology student sa University of Visayas at naninirahan sa Avila Compound, Juana Osmeña Extension, Brgy. Capitol Site ng nasabing lungsod.

Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa kali­wang bahagi ng kaniyang mukha na siya nitong iki­namatay.

Batay sa ulat ng Cebu City Police, ang bangkay ng Iranian ay natagpuang nakahandusay sa gilid ng kalsada sa Sacred Heart Hills, Juana Osmeña Extension, Barangay Capitol Site sa naturang lungsod dakong alas-3:15 ng ma­daling-araw.

Papasok sa trabaho ang isang empleyado na si Marjon Peras na sakay ng motorsiklo nang madaanan ang duguang bangkay ng biktima sa nasabing lugar.

Agad na nagresponde sa lugar ang Scene of the Crime Operations team ng Cebu City Police. (Joy Cantos)

vuukle comment

ASCHCAN AMINIAN

AVILA COMPOUND

BARANGAY CAPITOL SITE

CAPITOL SITE

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE

JOY CANTOS

JUANA OSME

MARJON PERAS

SACRED HEART HILLS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with