^

Probinsiya

Kasong droga: Hepe sinibak, iba pa suspendido

-

Pinatawan ng pagkaka­dismis sa serbisyo ang hepe ng pulisya habang suspen­dido naman ang iba pa nitong tauhan matapos na mapatu­na­yang nagpabaya sa tung­kulin kaugnay ng kaso sa droga sa Benguet, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni P/Chief Supt. Eugene Martin, ang sinibak na opisyal na si P/Senior Inspector Bernardo Capela, hepe ng Kapangan PNP.

Base sa resulta ng imbesti­gasyon, si Capela ay guilty sa tatlong kaso ng grave offenses (serious neglect of duty, dishonesty at misconduct) na may katapat na parusang pagkakatanggal sa serbisyo.

Samantala, ang iba pang nadawit sa kaso ay pinatawan naman 30 hanggang 60-araw na pagkakasuspinde.

Napawalang sala naman sina SPO2 Nicholas Luna, PO3 Evelyn Liwas at ang non-uniformed personnel (NUP) ay napawalang sala sa kaso dahil sa kakulangan ng ebi­densya laban sa mga ito.

Magugunita na isinailalim sa imbestigasyon ng Legal Service ng Police Regional Office-Cordillera Administrative Region ang mga pulis.

Nag-ugat ang kaso dahil sa pagkakakumpiska ng 15 kilong pinatuyong dahon ng marijuana noong Pebrero 13, 2008

Gayon pa man, lumilitaw sa imbestigasyon na pinalaya ng mga pulis ang mga suspek kung saan kinuha na lamang ang mga ebidensya at sasak­yan Toyota Tamaraw FX (WPD 372) kapalit ng hindi pag­sasampa ng kaso laban sa grupo ni Robert Baluda. Joy Cantos

CHIEF SUPT

EUGENE MARTIN

EVELYN LIWAS

JOY CANTOS

LEGAL SERVICE

NICHOLAS LUNA

POLICE REGIONAL OFFICE-CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

ROBERT BALUDA

SENIOR INSPECTOR BERNARDO CAPELA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with