^

Probinsiya

'Pananabotahe' sa control tower iniimbestigahan

-

ZAMBOANGA CITY – Isinaisantabi ng mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Phils.(CAAP) ang ang­gulong pananabotahe ng mga air traffic controller personnel na sinasabing nag­pabaya sa kanilang tung­kulin kung saan naantala ng ilang oras sa pag-landing ang tatlong eroplano noong Biyernes sa Zamboanga International Airport.

Gayon pa man, sinabi ng Zamboanga City airpot manager na si Celso Bayabos na sinibak na ang limang personnel habang iniimbes­tigahan naman ang ilang air traffic controller.

Tumanggi naman mag­bigay ng comment si Ba­yabos habang hinihintay ang resulta ng imbetigas­yon sa nabanggit na insi­dente.

Subalit ayon sa ilang source sa airport, tatlo sa limang personnel sa control tower ay sinasabing absent habang ang dalawang iba pa ay na-late sa duty.

May mga ulat na ang supervisor ay sinasabing wala sa nabanggit na lung­sod subalit hindi naman makum­pirma ang ulat.

Ayon naman sa isa sa 46-pasahero ng Cebu Pacific flight na si Edmond Cortez, kinumpirma ng piloto na wala silang kontak sa control tower at nakikipag-ugnayan na lamang sa ibang eroplano sa ere.

“We just heard the pilot making address that they were in control and nothing to worry,” pahayag ni Cortez na isang Fil-Am medical student na nagbakasyon la­mang sa bansa kasama ang kanyang nobya. (Roel Pareño )

vuukle comment

AYON

BIYERNES

CEBU PACIFIC

CELSO BAYABOS

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILS

EDMOND CORTEZ

ROEL PARE

SHY

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with