^

Probinsiya

Magsasaka nagpaputok ng rebentador, tinodas ng bato

-

Naging mitsa ng kama­ tayan ng isang lalaki ang wa­lang habas nitong pagpapa­putok ng rebentador mata­pos na batuhin ng pinanini­walaang nairitang ‘di pa na­kilalang salarin sa Bayam­bang, Pangasinan kamaka­lawa.

Kinilala ang biktima na si Romeo Macaraeg, isang magsasaka sa nasabing bayan.

Ayon kay SPO3 Emilio Openia ng Bayambang Police, nagpapaputok lamang ang biktima ng rebentador sa labas ng Municipal Plaza nang bigla na lamang nakita ng kanyang mga kasamahan na nakahandusay na ito.

Sinabi ng ilang mga naka­saksi na bandang alas-7:00 nang gabi bigla na lamang uma­nong binato ng hindi naki­lalang suspek si Maca­raeg matapos na marindi sa ingay ng paputok.

Isang malaking tipak ng bato ang sumapul sa ulo ni Macaraeg na agad na bumu­lagta sa insidente sa tinamo nitong sugat sa kanang pa­nga at ulo.

Nagawa pang itakbo ang biktima sa pagamutan suba­li’t idineklara na itong dead-on-arrival.

Ayon sa sumuring mang­ga­gamot sa naturang bik­tima, internal hemorrhage ang sanhi ng pagkamatay ng magsasaka. (Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BAYAM

BAYAMBANG POLICE

EMILIO OPENIA

ISANG

JOY CANTOS

KINILALA

MUNICIPAL PLAZA

ROMEO MACARAEG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with