^

Probinsiya

Bata dedo sa kamote

-

Isang 5-anyos na bata ang iniulat namatay ha­bang tatlo pa nitong utol ay na-ospital makaraang ma­lason sa kinaing ka­mo­teng kahoy na iniluto ng kanilang kamag-anak sa Barangay Palanog sa Tacloban City, Leyte ka­makalawa. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Bernie Tunguil, habang nananatili sa Eastern Vi­sayas Regional Medical Center ang kanyang mga utol na sina Bene­dict, Ben, at si Benedicto. Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, naiwan ang 4 na mag-uutol sa ka­nilang tahanan kung saan pu­masok sa trabaho ang ina. Nang magutom ang magkakapatid ay humi­ngi ng kamoteng kahoy sa kanilang kamag-anak na si Concepcion Ayon na niluto at kinain ng mga ito. Ina­bu­­tan ng ina sa kanilang ta­ha­nan ang mga anak na nag­susuka, nagtatae, na­na­na­ kit ang tiyan at ulo kaya di­nala sa ospital su­ba­lit na­matay ang 5-anyos na ba­tang lalaki. Joy Cantos

BARANGAY PALANOG

BATAY

BERNIE TUNGUIL

CAMP CRAME

CONCEPCION AYON

EASTERN VI

JOY CANTOS

REGIONAL MEDICAL CENTER

SHY

TACLOBAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with