^

Probinsiya

Presong kinaliwa ng misis, pumuga

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang preso na may kasong murder ang napaulat na pu­muga kamakalawa ng gabi sa Sorsogon Provincial Jail makaraang mabalitaan nitong may kalaguyo ang kanyang misis. Tugis naman ng mga awtoridad ang suspek na si Ricky Anonuevo ng Bulan, Sorsogon. Napag-alamang may anim na buwang hindi dina­da­law ng misis sa kulungan ang kanyang mister at na­kasagap ng balita na may ibang kinakasamang lalaki. Dahil sa masaklap na balita, ay binalak na pumuga ni Anonuevo hanggang sa makatiyempo kamaka­lawa ng gabi na makaakyat ng tore ng nasabing ku­lungan at tuluyang makatakas. May teorya ang pulisya na paghihigantihan ni Anonuevo ang kanyang misis at ang kalaguyo. Ed Casulla

Teacher sa hayskul itinumba

LINGAYEN, Pangasinan – Isang 31-anyos na guro na pinaniniwalaang may malaking atraso ang pinag­babaril hanggang sa mapatay ng ‘di-pa kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Avenida West sa Poblacion, Lingayen, Pangasinan. Kinilala ni P/Supt. Harris Fama, hepe ng Lingayen PNP, ang bikti­mang napuruhan sa ulo ng bala ay nakilalang si Tetus Marzan, 31, ng Bayambang National High School at residente ng Barangay Pangapisan North, Lingayen. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Ronaldo “Nandong” Ferrer. Base sa police report, nagmo­motor­siklo ang biktima nang salpukin ng kulay itim na Honda Civic (WAR 162) ng suspek. Hindi nakuntento at pi­nag­babaril ng suspek ang biktima. Natagpuan naman ang nasabing kotse na inabandona sa bahagi ng Sitio Ka­dam­pat sa Barangay Bolo sa bayan ng Labrador. Cesar Ramirez

Baril nilaro, mister dedo

NUEVA ECIJA – Karit ni kamatayan ang sumalubong sa isang 32-anyos na mister kung saan aksidenteng pumutok ang baril na nilaro nito habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa Barangay Langla, bayan ng Jaen, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, Nueva Ecija police director, nakilala ang biktima na si Joel Jacutan y Jalova. Base sa police report, nakipag-inuman ng alak ang biktima kina Angelito Mateo, Crisostomo Yambao at Benedict Marin. Nang makainom ng kaunting alak ay nilaro ng biktima ang baril at itinutok sa kanyang bibig subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakalabit ni kamatayan ang gatilyo kaya lumagos ang bala sa likurang bahagi ng ulo. Christian Ryan Sta. Ana

ANGELITO MATEO

ANONUEVO

AVENIDA WEST

BARANGAY BOLO

BARANGAY LANGLA

BARANGAY PANGAPISAN NORTH

BAYAMBANG NATIONAL HIGH SCHOOL

LINGAYEN

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with