^

Probinsiya

Mister inutas sa bilyaran

-

CAVITE – Isang 38-anyos na mister na pinaniniwalaang pumatay sa sariling kapatid ang niratrat at napatay ng di-pa kilalang lalaki sa bilyaran na sakop ng Barangay Talaba 2, sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ng bala ang biktimang si Dennis Mateo “Batman” Ocampo ng Ocampo Compound sa Brgy Talaba 1. Ayon kay PO3 Cla­rence Erese, si Dennis ay kalalabas pa lamang ng ospital ma­tapos masugatan sa pakikipag­barilan sa sariling utol na si Arturo “Junpo” Ocampo noong Oktubre. Wala naman lumutang na testigo sa krimen habang iniimbestigahan ang pamamas­lang. (Cristina Timbang)

Rapist, habambuhay kulong

CAMARINES NORTE – Habambuhay na pagkakulong ang inihatol ng mababang korte laban sa isang amain na napa­tu­nayang humalay ng dalawang ulit sa 14-anyos na anak ng kan­yang ka-live-in noong Disyembre 1999 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte. Sa 14-pahinang desisyon ni Judge Roberto A. Escaro ng Daet Regional Trial Court, Branch 38, bukod sa habambuhay na kulong sa akusadong si William Saplagio y Tychingco, 53, pinagbabayad din ng P.250 milyon sa biktima bilang danyos perwisyo. Napag-alamang nabuntis ang biktima kaya nadiskubre ang krimen ng akusado kaya ipinaaresto sa pulisya noong Disyembre 24, 2000 hanggang sa mahatulan. (Francis Elevado)

3 itinumba dahil sa droga

Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang tatlong sibilyan sa panibagong karahasang naganap sa Purok 2, Ong Yiu District sa Barangay 6, Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Kagawad Julieto Carumba, 34, ng Brgy. Kulambugan, Sibagat, Agusan del Sur; Nestor Sulla ng Cabadbaran City, insurance agent; at si Marites Crisostomo, 26. Base sa ulat ni SPO4 Popong Le­ desma na nakarating sa Camp Crame, kabilang sa anggulong  tinututukan ay ang posibilidad na may kinalaman sa bawal na droga ang krimen. (Joy Cantos)

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY TALABA

BRGY TALABA

BUTUAN CITY

CABADBARAN CITY

CAMARINES NORTE

CAMP CRAME

CRISTINA TIMBANG

DAET REGIONAL TRIAL COURT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with