^

Probinsiya

13 MILF utas sa air strike

- Joy Cantos -

Matapos ideklara ng Supreme Court na unconstitu­tional ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) na igi­nigiit ng Moro Islamic Li­be­ration Front (MILF), la­bin­tatlong nagtaksil sa nasa­bing grupo ang iniulat na napaslang habang 30 iba pa ang nasugatan sa ini­lun­sad na ground at air strike operations ng tropa ng militar sa liblib na bahagi ng mga Brgy. Nimoa at Ga­wang sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao ka­ma­kalawa ng hapon.

“They suffered at least 13 killed that is based on the report of our ground forces and 30 wounded, our ground and air forces hit the specified target, they are on the run now,” paha­yag ni AFP Vice Chief of Staff at Joint Task Force Min­danao Commander Lt. Gen. Cardozo Luna.

Napag-alamang pinali­butan ng mga tangke ng Army troops ang pinag­kukutaan ng mga nagtaksil na MILF na pinamumu­nuan ni Kumander Kato ha­bang tumulong ang mga fighter plane ng Air Force sa opensiba.

Tumagal ng 2-oras ang assault ng militar na nag­resulta sa pagkakapaslang sa may 13 rebelde baga­man hindi naidetalye ng opis­yal kung ilan ang nare­kober na bangkay.

 “They are low in logistic and resorting to banditry now, we received reports that they extort foods from civilian residents,” dagdag pa ni Luna .

Samantala, sa inilunsad na opensiba ng militar ay napilitang magsipagtago sa kabundukan ng Maguin­danao ang grupo ni Commander Kato, ayon pa sa opisyal.

AIR FORCE

ANCESTRAL DOMAIN

CARDOZO LUNA

COMMANDER KATO

COMMANDER LT

DATU PIANG

JOINT TASK FORCE MIN

KUMANDER KATO

MEMORANDUM OF AGREEMENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with