^

Probinsiya

Mag-utol na-rescue sa kidnaper

-

Nailigtas ng Philippine Marines ang mag-utol na ki­nid­nap ng mga armadong ka­lalakihan na pinaniniwa­laang may ugnayan sa mga bandi­dong Abu Say­yaf Group (ASG) sa isina­ga­wang search and rescue operations sa bayan ng Patikul, Sulu kaha­pon ng madaling-araw.

Kinilala ni Navy Spokes­man Lt. Col. Edgard Are­valo, ang magkapatid na sina Ben Austine, 2 at Be­nedict, 3, kapwa anak ng mag-asa­wang trader na sina Bien­venido at Elena Dayola.

Ang mga biktima ay na­sagip ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 6  sa ilalim ni Lt. Col. Jimmy La­rida sa Barangay Anuling sa bayan ng Pati­kul dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Sumasailalim naman sa tactical interrogation ang dala­ wang suspek na sina Jamiri Ja­li­san at Hul­mina Hatae, biyenan at asawa ng lider ng mga kidnaper na si Hajal Hatae.

Si Hatae ay kilalang ka­alyado nina Sulu based ASG leader Radulan Sahi­ron, alyas Commander Pu­tol, Al­bader Parad at Ga­afur Jum­dail, alyas Doc Abu Pula.

Gayunman, nakatakas sa ope­ rasyon si Hajal na pina­nini­walaang natunu­gan ang pre­sensya ng Philippine Marines.

Ayon sa ulat, ang mag­ka­patid ay kinidnap ng grupo ni Hatae noong Set­yembre 16 sa Brgy. Kaku­yagan, Patikul Sulu may isang linggo na ang naka­lipas kung saan humi­hingi ng P1 milyong ransom ka­palit ng pagpapalaya.

Sa halip na magbayad ng ransom ay idinulog ng mga magulang ng magka­patid ang problema sa MBLT 6 na agad namang nagsagawa ng rescue operations.

Napilitan naman ang mga kidnapper na paka­walan ang mga bihag ma­tapos na ma­ batid na napa­palibutan ng mga sundalo ang tatlong bahay na pi­nag­tataguan sa mga bihag. Joy Cantos

vuukle comment

ABU SAY

BARANGAY ANULING

BEN AUSTINE

COMMANDER PU

DOC ABU PULA

EDGARD ARE

ELENA DAYOLA

PHILIPPINE MARINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with