^

Probinsiya

3 kinidnap ng Abu pinalaya

- Joy Cantos -

Tatlo sa limang aid workers na kinidnap ng mga ban­didong Abu Sayyaf Group (ASG) ang pinalaya na noong Lunes ng gabi sa ba­yan ng Tipo-Tipo sa Basilan, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni regional Navy spokesman Lt. Col. Edgard Arevalo Jr., ang mga naka­layang biktima na sina Ludy Borja Dekit, Romy de los Re­yes at Dionisio “Jun” Estan­darte na pawang kawani ng Christian Children’s Fund at Nagdilaab Foundation na nagsasagawa ng humanitarian mission sa Basilan.

Walang kapalit na ransom money ang pagpapa­laya sa tatlo sa bayan ng Al Barka, habang nanatili na­mang bihag ng grupo ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama sina Esperancita Hupida, program director ng Nagdilaab Foundations, Inc. at Milet Mendoza, kawani ng isa pang aid group sa bayan ng Tabang, Mindanao.

Base sa ulat ni 1st Marine Brigade Col. Rustico Guerrero, ang tatlong pina­laya ay ibinigay kay Tipo-Tipo Mayor Tong Istarul.

Nabatid na ang mga biktima ay kabilang sa 12-kataong lulan ng dalawang sasakyan nang harangin ng mga bandido sa bisinidad ng Brgy. Cabangalan malapit sa Sitio Ungkaya Pukan sa Tipo-Tipo noong Lunes.

Napag-alamang pito sa kasamahan ng lima na lulan ng isa pang sasakyan ay nakatakas.

Patuloy naman ang hot pursuit operations ng mga elemento ng Philippine Marines upang iligtas ang mga nalalabi pang bihag.   

ABU SAYYAF COMMANDER FURUJI INDAMA

ABU SAYYAF GROUP

AL BARKA

BASILAN

CHRISTIAN CHILDREN

EDGARD AREVALO JR.

ESPERANCITA HUPIDA

LUDY BORJA DEKIT

MARINE BRIGADE COL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with