^

Probinsiya

Kasunduan ng LMP sa DBM naisakatuparan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Para sa CNA incentive ng LGUs

ISABELA, Philippines — Ikinalugod ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) ang pagtanggap sa kasunduan nito sa Department of Budget and Management (DBM) kaugnay ng pagtatatag ng patas at malinaw na mekanismo sa pagsusuri sa mga local government units (LGUs) na naapektuhan ng pagpapatupad ng FY 2026 Collective Negotiation Agreement o CNA Incentive Guidelines.

Ang kasunduan ay nabuo at nilagdaan nitong nakalipas na linggo sa Isabela kasunod ng diyalogo sa pagitan ng mga opisyal ng LMP at ni DBM Secretary Kim Robert De Leon, kung saan inilahad ng mga lider-munisipalidad ang kanilang pangamba sa ilang probisyon ng panuntunan na maaaring makapinsala sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan dahil sa pagkaantala ng mga proyektong pangkaunlaran at iba pang sitwasyong hindi nila kontrolado.

Pinamumunuan ang League of Municipalities of the Philippines ni Echague, Isabela Mayor Faustino “Inno” Arcega Dy V na nagsisilbing National President ng organisasyon para sa 2025–2028 termino.

Nagpasalamat ang LMP kay Sec. De Leon sa pakikinig sa kanilang mga karaingan at pakikipagtulungan sa mga lokal na lider upang makahanap ng praktikal at makatuwirang solusyon.

Ayon sa LMP, na­ging produktibo at makabuluhan ang kanilang pag-uusap, na nagbunga ng konkretong hakbang upang matugunan ang lehitimong pangamba ng mga munisipalidad at mapangalagaan ang kapakanan ng mga masisipag na empleyado ng lokal na pamahalaan.

Sa ilalim ng kasunduan, bibigyan ng pagkakataon ang mga apektadong LGU na ipaliwanag ang mga dahilan ng pagkaantala sa pagpapatupad ng kanilang mga proyekto, gayundin ang pagsusumite ng mga kaukulang dokumento at mga hakbang upang makahabol sa implementasyon. Susuriin ang mga ito alinsunod sa umiiral na mga batas at alituntunin. 

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with