Lotto winner kinasuhan
OLONGAPO CITY – Nakalaya na ang isang Super Lotto winner sa US na pinaniniwalaang nasa watchlist ng Department of Justice matapos makapaglagak ng P20,000 piyansa sa kasong libelo na isinampa ng dating child actor, ayon sa ulat.
Kinumpirma ni Atty. Noel Atienza, abogado ng dating child actor na si Kenneth Peralta na kinasuhan nila ang suspek na si Rolando Gipulan, na nanalo sa California Super Lotto ng $44 milyon noong 2005.
Kinasuhan ni Peralta si Gipulan matapos siyang siraan sa isang TV talkshow “Sinabi niya sa isang TV show na nagnakaw daw ako ng SUV at pera sa kanyang resort sa San Antonio, Zambales,” pahayag ni Peralta na naging managing director ni Gipulan sa nabanggit na resort. Noong Enero 2007. Maliban sa kasong libelo ay kinasuhan din si Gipulan sa ilalim ng PB 22 matapos tumalbog ang dalawang tseke na inisyu nito kay Peralta.
“Yung unang tseke na nagkakahalaga ng P185,000 ay inabono ko para hindi ma-delay ang sahod ng mga kawani ng resort, at ‘yung isang tseke naman na P237,000 ay para sa commission ko sa resort at siya (Gipulan) ang nagbigay nun sa akin, hindi ko hiningi yun,” pahayag ni Peralta. Alex Galang
- Latest
- Trending















