^

Probinsiya

Bomba pasalubong kay GMA

- Joy Cantos -

Nakatutulig na pag­sa­bog ng landmine ang sumalubong sa pagbi­sita kahapon ni Pangu­long Gloria Macapagal Arroyo sa bayan ng Placer, Masbate.

Bandang alas-3 ng madaling-araw nang yanigin ng pagsabog ang bahagi ng Ba­rangay Ban-ao sa na­banggit na bayan kung saan ilang oras bago ang pagdating ng Pa­ngulo sa lalawigan.

“It’s an improvised bomb planted in isolated place, there’s no damage,” pahayag ni Army’s 9th Infantry Division (ID) chief Major Gen. Jeffrey Sodusta na sinabi ring wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente.

Hindi naman nasisi­lip ang anggulong pigilin ang pagbisita ni Pangu­long Arroyo sa Masbate, bagkus manakot la­mang.

Bunga ng insidente ay lalong hinigpitan ng pulisya, militar at ng Presidential Security Guard (PSG) ang segu­ridad sa bayan ng Placer bago ang pag­da­ting ng Pangulo.

Nabatid na si Pa­ngulong Arroyo ay nag­sagawa ng  National Disaster Cabinet meeting sa bayan ng Placer kung saan dadalo ang iba’t ibang lokal na opisyal ng pamahalaan.

Ang bayan ng Placer ay isa sa mga balwar­teng lugar ng mga re­beldeng New People’s Army (NPA) sa nabang­git na lalawigan.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigas­yon ng mga awtoridad ang naganap na pag­sabog.

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

INFANTRY DIVISION

JEFFREY SODUSTA

MAJOR GEN

MASBATE

NATIONAL DISASTER CABINET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with