^

Probinsiya

Bigas tumapon, nene nagbigti

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legaspi City – Isang 11 taong gulang na batang babae ang nagpakamatay nang mapagalitan ng kan­yang lolo dahil sa pagka­katapon ng dala niyang bigas sa Barangay Mulad­buad, Guinobatan, Albay kahapon ng umaga. 

Nakilala ang biktima na si Mary Grace Bauza na residente ng naturang lugar.

Sinabi ng pulisya na ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-10:00 ng umaga ng kan­yang lolo na nakilalang si Jovito Malate habang na­kabitin sa puno ng manga sa likuran ng kanilang ba­hay.

Nauna rito, pinagalitan ni Malate si Bauza nang matapon nito ang bigas sa lupa na ipinabili rito upang isaing sa kanilang pana­ng­halian.

Napag-alaman na ma­sinop naman na pinulot ng bata ang mga butil ng bigas sa natapon sa lupa at saka ito inihatid na lamang sa kanilang bahay.

Matapos na maihatid ang bigas, lumabas ng bahay ang bata at hindi na bumalik.

Laking-gulat na lamang ng lolo ng kanyang makita ang kanyang apo na naka­bitin sa puno ng mangga na gamit ang isang nylon cord na siyang nakatali sa leeg nito.

Kaagad naman na di­nala ang bangkay ng bata sa pu­ neraria upang ito ay iawtop­siya para matukoy kung ta­lagang nagpatiwa­kal ito o may gumawa ng masama rito.

ALBAY

BARANGAY MULAD

BAUZA

GUINOBATAN

JOVITO MALATE

MARY GRACE BAUZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with