^

Probinsiya

Misis kinatay, lover nag-suicide

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 31-anyos na misis makaraang pagsasaksakin ng kanyang lover ay nag-suicide naman ang huli sa Sea Oil Lodge sa  Mahar­lika Highway sa bayan ng Po­langui, Albay, kama­kalawa ng gabi.

Bandang alas-11:30 ng gabi nang ang mga bangkay nina Julio Sevilla, 36, hiwalay sa asawa at residente ng Barangay Sagrada sa bayan ng Libon at Salvacion San Juan, 31, may asawa at resi­dente ng Barangay Bombon sa nabanggit ding bayan.

Ayon sa hepe ng pulisya na si P/Chief Insp. Ferdinand Raymundo, huling nama­taang buhay ang magka­laguyo na nag-check-in sa nabanggit na lodge dakong alas-11 ng umaga.

Napag-alamang naka­rinig ang ilang roomboy ng animo’y nag-aaway na nagmumula sa kuwarto ng dalawa subalit binalewala nito hanggang sa nanahimik.

Dahil sa inabot na ng dilim sa kuwarto ang dalawa at lumampas na sa itinak­dang oras ay nagdesisyong katukin ito ng roomboy su­balit walang sumasagot.

Napilitang buksan ng roomboy ang kuwarto sa pamamagitan ng duplicate key at lumantad ang du­guang katawan ng babaeng naka­higa sa kama habang ang lalaki naman ay nakabitin.

May teorya ang pulisya na ibig makipaghiwalay ng isa sa dalawa kaya nauwi sa matinding komprontasyon hanggang sa maganap ang krimen.

BARANGAY BOMBON

BARANGAY SAGRADA

CHIEF INSP

FERDINAND RAYMUNDO

JULIO SEVILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with