^

Probinsiya

Cebu ambush: 3 bulagta

-

CEBU CITY – Tatlo-katao kabilang ang dalawang kalala­bas pa lamang ng kulu­ngan ang iniulat na nasawi samantalang isa pa ang malubhang nasu­gatan makaraang tam­bangan ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa bahagi ng Sitio Oprra sa Barangay Ka­luna­san, Cebu City ka­ma­ka­lawa.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Medase Castro, 44, ng Barangay Man­tu­yong, Mandaue City; Mias Magno, 45, ng Capt. V. Roa Street, Cagayan de Oro City at ang misis ni Mias na si Evelyn Magno, 41.

Sina Castro at Mias na kapwa miyembro ng swindling gang mula sa Davao City ay naaresto noong Huwebes ay kalalabas pa lamang ng kulungan matapos magpiyansa P20,000 base na rin sa mga do­kumentong nakalap ng pulisya.

Samantalang, na­isu­god naman  sa Perpetual Succour Hospital si Sgt. Henry Co­mandao ng Barangay Basak, Lapu-Lapu City at nakatalaga sa AFP Savings and Loans Inc.

Ayon sa ulat, lulan ng kulay puting Hyun­dai van (GPZ-457) ang mga biktima na mina­maneho ni Comandao nang dikitan at ratratin ng dalawang motorsik­long sakay ng gunmen.

Ayon kay SPO1 Geoffrey Gutual, si  Mias ay inaresto mata­pos mamukhaan ng isa sa kanyang biktima ng P.3 milyon halaga ng alahas at dolyares.

Samantalang si Cas­tro ay dinakip ma­tapos suhulan ng P50,000 ang pulis sa Waterfront Police Station para maka­laya si Mias.

Ayon sa hepe ng Theft and Robbery Section na si P/ Senior Insp. Michael Anthony Bas­ tes, posibleng may ka­ugnayan sa krimen ang trabaho ng dalawa dahil sa mga nakalap na impormasyon na si Mias ay kinaiinisan ng mga kasamahan sa sindikato ng panda­ram­bong dahil sa par­tihan. Edwin Ian Melecio at Joy Cantos

AYON

BARANGAY BASAK

BARANGAY KA

BARANGAY MAN

DAVAO CITY

EDWIN IAN MELECIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with