^

Probinsiya

Utol ni Obet iniligpit

- Dino Balabo -

CALUMPIT,  Bulacan –Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang three-time mayor ng Calumpit maka­raang pagbabarilin ng da­lawang ‘di-pa kilalang lalaki kung saan itinaon sa pag­daraos ng kapistahan sa Barangay Calizon noong Linggo ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Allen Bantolo, provincial police director, ang biktima na si Ramon Pag­danganan, 54, naging al­kalde simula noong1995 hanggang 2004 at nakaba­batang utol ni ex-Governor Roberto “Obet” Pagda­nganan na dating kalihim ng Department of Agrarian Reform at chairman ng Philippine Trading Center.

Ayon sa ulat, nakikipag-inuman ng alak ang biktima sa mga kaibigang sina Willy Paras, Celeste Fajardo, Raymundo Fajardo, Jurie Malinao, and Coleto Esto­que nang lapitan at ratratin sa likurang bahagi. Suga­tan naman si Paras mata­pos tamaan ng ligaw na bala.

Nabatid na hindi kaagad napansin ang krimen dahil inakala ng mga du­madalo sa prosesyon na kuwitis at iba pang uri ng fireworks ang nilikhang putok ng baril kung saan duguang na­palugmok ang biktimang naisugod pa sa Calumpit District Hospital at inilipat sa Bulacan Provincial Hospital kung saan siya idi­neklarang patay dahil sa mga tama ng bala sa ulo.

Samantala, nadismaya naman si Ex-Gov. Obet Pagdanganan sa isinasa­gawang imbestigasyon na pinaniniwalaang mabagal.

“Hindi agad dinala sa ospital ‘yung kapatid ko dahil maghihintay pa raw ng mga tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO), eh halos isang oras bago dumating ‘yung SOCO,” pahayag ng ex-governor.

Kaugnay nito, sinabi ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., na han­da nilang bigyang seguri­dad si Obet Pagdanganan matapos na mabatid na ma­ging ito ay may banta rin sa kaniyang buhay. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

ALLEN BANTOLO

BARANGAY CALIZON

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

CALUMPIT DISTRICT HOSPITAL

CELESTE FAJARDO

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

COLETO ESTO

OBET PAGDANGANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with