Ermita tuloy sa laban
Batangas City — Mariing pinabulaanan ni dating Batangas Vice gubernatorial candidate Edwin Ermita na iniatras na nito ang kanyang election protest sa Commission on Election laban kay Vice-Governor Mark Leviste matapos kumalat ang usap-usapan sa buong lalawigan mula pa noong isang linggo.
Sa isang pulong balitaan, ipinaliwanag ni Ermita sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Jorge Erwin Garcia na wala silang ginawa o anumang balak na pag-atras sa isinampa nilang eleksyon protest laban kay Leviste kaugnay sa umano’y malawakang iregularidad sa naganap na May 2007 eleksyon.
Nagbunsod sa reaksyon ng kampo ni Ermita ang pahayag ni Leviste sa isang flag raising ceremony sa kapitolyo ng Batangas na umatras na si Ermita sa protesta nito.
Ipinaliwanag ni Garcia na ipinahinto lang nila ang recounting ng mga balota nang mapatunayan na nila na “fraudulent” o may anomalya ang 3,517 mula sa kabuuang 5,619 contested ballots. (Arnel Ozaeta)
- Latest
- Trending