7 lugar sa Quezon, pineste niyogan

LUCENA CITY, Philippines — Anim na bayan at isang lungsod sa lalawigan ng Quezon ang pineste ang mga taniman ng niyog ayon sa Philippine Coconut Authority (PCA) Region 4A.
Batay sa ulat ng PCA 4A, ang mga bayang ito ay ang Tagkawayan, Sampaloc, Real, Lucban, Guinayangan, at Calauag, Quezon at lungsod ng Tayabas.
Nananawagan ngayon ng koordinasyon ang ahensya sa mga local government units (LGUs) at mga magniniyog na magsagawa ng regular na pagsusuri at pagre-report sa bawat niyugan dahil sa pag-atake ng mapaminsalang peste na kung tawagin ay “coconut spike moth”.
Ang ‘coconut spike moth’ ay may itsurang parang maliliit na gamu-gamo. Ang mga uod nito ang nagdudulot ng pinsala at kumakain ng niyog, mga batang bunga nito, at minsan ay maging ang maliliit na dahon. Maaari itong magdulot ng maagang pagbagsak o pagkabulok ng bunga ng niyog, kaya naaapektuhan ang ani.
- Latest



















