^

Probinsiya

Barangay outing nauwi sa trahedya: 1 patay, 1 missing

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Barangay outing nauwi sa trahedya: 1 patay, 1 missing
Ayon sa Lian police ang nasawing biktima ay isang construction worker, taga-Barangay Saint Peter 2, Dasmariñas City, Cavite, habang patuloy na pinag­hahanap ang isang Grade 11 student na residente rin ng Dasmariñas City.
File

BATANGAS, Philippines — Nasawi ang 49-anyos na lalaki habang nawawala ang 15-anyos na binatilyo matapos silang tangayin ng malalakas na alon sa isang beach outing sa Lian, Batangas nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Lian police ang nasawing biktima ay isang construction worker, taga-Barangay Saint Peter 2, Dasmariñas City, Cavite, habang patuloy na pinag­hahanap ang isang Grade 11 student na residente rin ng Dasmariñas City.

Naganap ang insidente bandang alas-8:30 ng umaga sa isang beach resort sa Barangay Lumaniag, Lian, Batangas kung saan nagkaroon ng beach outing ang mga residente at opisyales ng barangay na pinangungunahan mismo ng kanilang kapitan.

Matapos na sawayin ng chairman at lifeguard ang mga biktima na huwag nang lumangoy dahil sa malakas na agos ng alon, ay tumuloy parin silang lumusong sa tubig hanggang sa biglang tangayin ng naglalakihang alon.

Bandang alas-5:00 na ng hapon nang matag­puan ang katawan ng isa sa mga biktima at mabilis na isinugod sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operation ng Philipine Coast Guard sa nawawalang biktima.

NALUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with