Dalaga nabiktima ng‘basag-kotse’
CAVITE, Philippines — Muli na namang umatake ang miyembro ng Basag Kotse Gang at biktima ang isang dalaga, kamakalawa ng gabi sa parking area ng Brgy. Navarro, Gen. Trias City.
Sa ulat ng pulisya, alas-7:50 ng gabi nang madiskubre ng biktimang si alyas Aleyah, 32-anyos, residente ng Governors Hills Subd., Brgy. Biclatan, Gen. Trias City, na nabiktima siya ng Basag Kotse Gang.
Sa salaysay ni Aleyah sa pulisya, ipinark nito ang kaniyang Toyota Vios may plakang NGP 5510 sa parking area at bumili sa First RX Pharmacy. Minuto lamang umano ng bumalik ito sa kaniyang sasakyan at dito na natuklasan na basag ang likurang windshield nito at wala na ang kaniyang bag na naglalaman ng mga credit cards, ATM card, gold wrist watch, gold ring, cash money at ibat ibang uri ng ID.
Sa kuha ng CCTV, nakilala ang isang suspek sa alyas na “Eugene” na pinaghahanap na ng mga pulis.
- Latest















