^

Probinsiya

Kadiwa P20 rice program pinalawig sa Bacolod City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad nina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Bacolod City Mayor Albee Benitez ang tatlong KADIWA ng Pangulo centers sa Bacolod City para sa P20 rice program ng pamahalaan.

“Ang paglulunsad sa P20 rice program ni Pa­ngulong Marcos ay hindi lamang nagpaningas ng bagong pag-asa sa mga mahihirap at mahinang sektor ng mga Pilipino- ginising din nito ang diwa ng bayanihan sa buong bansa,” ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel.

Babalikatin ng Bacolod City Government ang bahagi ng subsidiya para sa P20 rice program, na layuning makapaghatid ng mura at de-kalidad na bigas sa mga mahihinang sektor, kabilang na ang mga mahihirap na pamilya, solo parents, mga may kapansanan, senior citizens at minimum wage earner.

Upang suportahan ang rollout ng lungsod, nag-order ang Bacolod City sa Food Terminal Inc., ang marketing arm ng Department of Agriculture mula sa National Food Authority para sa 5,800 sako ng bigas.

Ang volume ay tinayang kayang tustusan ang pangangailangan ng lungsod sa loob ng dalawang linggo, batay sa inaasahang pang-araw araw na demand ng 400 50-kilo sacks.

Tiniyak ni FTI President Joseph Lo na mayroong sapat na supply ang ahensiya upang punan ang panga­ngailangan ng Bacolod sa buong panahon ng P20 rice pilot, na tatakbo hanggang Disyembre.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, pinuno ng DA Agribusiness Marketing, and Consumer Affairs at tagapangasiwa ng KADIWA program, ang paglulunsad ng KADIWA stores sa Bacolod City ay nagbigay ng kabuuang bilang ng 87 outlets na nag-aalok ng P20 rice, lagpas sa inisyal na target na 55 putlest na itinakda ni Secretary Tiu Laurel para sa katapusan ng Hunyo.

Sa ginanap na aktibidad, ginawaran ng Philippine Rice Research Institute ang provincial government ng Negros Occidental ng certificate of allocation para sa 96,550 bags ng butil para sa 44,514 ektarya ng palayan sa lalawigan para sa darating na wet season o tag-ulan. Ang mga butil ay nagkakahalaga ng P84.98 million at pinondohan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund.

KADIWA

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with