Hotel cashier utas sa holdap
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang hotel cashier makaraang pagsasaksin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa Barangay Bagong Kalsada sa
Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas Jr., Laguna police director, ang biktimang si Jenny Palma, 38, ng Purok 5 sa Barangay Sucol, Calamba City at kahera sa Garden Inn Motel sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iisa ang biktima sa nasabing motel, pinasok ito ng mga ‘di-kilalang lalaki at pinagsasaksak hanggang sa mamatay bago tangayin ang hindi pa mabatid na halaga bandang alas-5 ng umaga.
Sa salaysay ng mga saksi, huling namataan ang biktima na nakikipag-kwentuhan sa isang lalaking kinilalang si Ranillo Baral bago ito natagpuang patay sa nasabing hotel.
Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad si Baral para kunan ng salaysay kaugnay sa naganap na krimen. (Arnell Ozaeta)
- Latest
- Trending