^

Probinsiya

Mga ‘ghost employee’ nadiskubre

-

SUBIC BAY FREE­PORT – Aabot sa 100 ka­wani na pinaniniwalaang “ghost employee” mula sa Task Force Subic na pina­mumunuan ng namaya­pang si ret. Gen. Jose Ca­limlim, ang nadis­kubre ni Presidential Anti-Smuggling Group chief Antonio Villar Jr. matapos siyang italaga ng Pangulo na pa­ngasiwaan ang nasabing task force.

“Nagtaka nga ako nung inaayos ko ang plantilya ng task force dahil nalaman ko na may 170 staff kaya pinag-report ko ang lahat sa opi­sina subalit aabot la­mang sa 69  kawani ang nag-report,” pahayag ni Villar. Na­pag-ala­man  pa kay Villar na masya­dong malaki ang bilang ng mga miyembro ng nasabing task force kumpara sa 100 miyembro ng Pre­siden­tial Anti-Smuggling Group na  nag-ooperate sa buong bansa.

“Pinalitan ko lahat ng staff sa Task Force Subic dahil matagal na rin sila dyan at alam na ang mga pasikut-sikot sa mga transaksyon,” dagdag pa ni Villar.

Nadiskubre ang nasa­bing isyu matapos lumu­tang ang ulat na may na­kuhang mga pay envelop na may mga la­man pang pera sa sreeding machine sa loob ng opisina ni Calim­lim na dating hepe ng TFS at tumatayo ring presidente ng Freeport Service Corporation (FSC). (Alex Galang)

AABOT

ALEX GALANG

ANTI-SMUGGLING GROUP

ANTONIO VILLAR JR.

FREEPORT SERVICE CORPORATION

JOSE CA

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

SHY

TASK FORCE SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with