4 magsasaka niratrat, todas
Magkakasunod na kinarit ni kamatayan ang apat na magsasaka makaraang rat ratin ng mga armadong kalalakihan sa liblib na bahagi ng bayan ng Tineg, Abra, ayon sa ulat kahapon.
Kabilang sa mga biktimang napaslang ay sina Darwin Enso, 25; Mafinold Kikeat, 22; Carlos Ayaba, 13; at si Edgar Sagudang, 28, pawang magsasaka mula sa Sitio Dangpawan, Barangay Alaoa, Tineg, Abra.
Nasa Abra Provincial Hospital naman ang mga sugatang sina Maricel Tandi, isang guro; Oliver Blanco, Maricar Blanco at ang drayber na si Sonny “Boy” Benggay.
Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa
Napag-alamang lulan ng kulay asul na Isuzu pick-up van ang mga biktima patungo sa bayan ng Bangued mula sa Barangay Alaoa nang mapahinto ang kanilang sa sakyan dahil sa nakaharang na malaking tipak ng bato sa kalsada.
Dito na sinamantala ng mga ‘di-pa kilalang armadong kalalakihan na paslangin ang mga biktima
Kasalukuyang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kung may kinalaman ang mga rebeldeng New People’s Army sa naganap na pananambang.
- Latest
- Trending