^

Probinsiya

NPA ambush: 2 sundalo dedo

-

KIDAPAWAN CITY – Dalawang sundalo ang iniulat na napatay habang pitong iba pa ang sugatan, makaraang tambangan ng mga rebeldeng New Peoples’ Army sa liblib na bahagi ng Sitio Jabala, Barangay Katigan, Toril District sa Davao City, kahapon ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Army Pfc. Arnel Ado at Cafgu Gaudencio Samson na pawang miyembro ng 66th Infantry Battalion ng Phil. Army. Sa pitong nasugatan, tatlo ay Cafgu at apat ang sundalo na patungo ng Barangay Baracatan sakay ng military truck nang ratratin ng mga rebeldeng NPA. Ayon sa Army, tatlo sa panig ng NPA ang kumpirmadong napatay, pero walang narekober na bangkay ng mga rebelde at tanging mga bakas ng dugo ang namataan. Aabot na sa 20 pamilya mula sa Purok Uno, Barangay Bara­catan ang nagsilikas na simula noong Enero 2008 ay hinahadlangan ng mga sundalo na makabalik sa kanilang mga tahanan. (Malu Manar)

vuukle comment

ARMY PFC

ARNEL ADO

BARANGAY BARA

BARANGAY BARACATAN

BARANGAY KATIGAN

CAFGU GAUDENCIO SAMSON

DAVAO CITY

INFANTRY BATTALION

MALU MANAR

NEW PEOPLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with