^

Probinsiya

Bodega ng beer at softdrink hinoldap

-

Cebu – Limang ‘di pa na­ki­ki­lalang kalalakihan ang nanloob sa isang bodega ng mga beer at softdrinks sa Sitio Ceres, Barangay Gun-ob La­pu­lapu City kahapon ng umaga at nakuha ang P.3 milyong salapi at mamaha­ling mga alahas.

Ang nasabing bodega ay pag-aari ni Samson Go at ipi­nagkakatiwala sa kanyang anak na si Mildred Go Cubillan.

Ayon kay SPO1 Andres Gahi ng Theft and Robbery Section ng Lapulapu City Police Office, kabubukas palang ni Cubillan sa bodega nang mag­sidatingan ang limang ‘di kila­lang lalaki ha­bang may isa pang naka­masid sa loob ng isang taxi sa ‘di kalayuan.

Dahil sa inakalang kusto­mer ang mga suspek ay pina­pasok ito ni Cubillan ngunit laking gulat na lang nito nang biglang mag­si­­bunot ng mga baril ang lima at saka nag­deklara ng holdap.

Dali ring ipinag-utos ng mga ito na buksan ang cash register ni Cubillan ngunit dahil sa pagdadalawang isip ay hi­ nambalos ng isang sus­pek ng baril sa ulo ang biktima.

Madali ring nasamsam ng mga ito ang perang tinata­yang aabot sa P.3 milyon pati na ang mga mamahaling alahas na nagkakahalaga ng P100,000, ayon sa pulisya bago nagsi­balikan sa nag­hihintay na taxi.  (Edwin Ian Melecio)

vuukle comment

ANDRES GAHI

BARANGAY GUN

CUBILLAN

EDWIN IAN MELECIO

LAPULAPU CITY POLICE OFFICE

MILDRED GO CUBILLAN

SAMSON GO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with