^

Probinsiya

Ex-WBC champ sinaksak

-

CAMP CRAME – Pinaniniwalaang pinag-aawayang ku­wintas ang isa sa motibo kaya sinaksak sa leeg ng kapatid na lalaki ng kaniyang dalagitang  boarder ang dating sikat na World Boxing Champion sa superfeatherweight na si Rolando Navarette kamakalawa ng gabi sa Barangay Bula, General Santos City. Kasalukuyang ginagamot sa Saint Elizabeth Hospital si Navarette sanhi ng sugat ng patalim sa leeg. Bago ang insidente, nagpa-blotter pa sa presinto si Navarette laban sa kaniyang boarder na si Lily Saliling, dahil hindi nito isinauli ang kuwintas na hiniram. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, hindi tumupad sa usapan ang dalagita na ibalik ang kuwintas noong Enero kayat nagalit si Navarette at nasampal ang ina ni Saliling. Nagalit naman ang kuya ng dalagita at nang nakasalubong si Navarette ay bigla nitong sinaksak sa leeg. Dahil sa sorpresang pag-atake ng suspek na si Racman Saliling ay  nabigo ang dating kampeon na ipagtanggol ang sarili. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY BULA

JOY CANTOS

LILY SALILING

NAVARETTE

PLACE

PLACENAME

RACMAN SALILING

ROLANDO NAVARETTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with