Tiyuhin kinatay ng pamangkin
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dahil sa matinding galit kaugnay sa lupang sinasaka na kinimkim ng mahabang panahon ay nagawang pagtatagain hanggang sa mapatay ang isang 50-anyos na mister ng sariling pamangking sa naganap na karahasan sa Barangay Lictin sa bayan ng San Andres, Catanduanes kamakalawa ng gabi. Halos mabiyak ang ulo ng biktimang si Ulpiano Bermejo, samantala, nasakote naman ang suspek na si Joel Bermejo, 30, kapwa may asawa at magkapitbahay sa nabanggit na barangay. Napag-alamang nagkasalubong ang nagtiyuhin sa nasabing barangay na humantong sa matinding komprontasyon hanggang sa mauwi sa pamamaslang. (Ed Casulla)
- Latest
- Trending