^

Probinsiya

Kaanak ng bomber kinidnap

-

KIDAPAWAN  CITY – Pi­naniniwalaang dinukot ng mga intelligence agents ang isang security guard ng Philippine National Oil Company (PNOC) na naka-assign sa Mount  Apo geothermal production field dahil sa suspetsang sang­kot ito sa pambobomba sa central Mindanao.         

Kinilala ang biktima na si Melvin Claro, sikyu ng PNOC, na inakbayan ng mga armadong kalalakihan bago isinakay sa owner-type jeep na walang plaka.

Si Claro ay naglalakad sa kahabaan ng Osema Drive kasama ang kanyang misis na si Sonia Hassan-Claro nang maganap ang insidente bandang alas-5:30 ng hapon.

Ayon kay Sonia, walang ipinakitang warrant of arrest ang mga kaduda-du­dang ahente ng intelligence unit ng PNP ang pinanini­walaang nasa likod ng pag­dukot.

May teorya si Sonia na idinawit ang kanyang mister dahil pinsan niya ang isa sa mga itinuturong primary suspect sa pambobomba sa mall sa Kidapawan City noong Nov. 22, 2007.

Si Sonia ay pinsang buo ni Muhalidin Hassan na inaresto ilang oras maka­raang sumabog ang KMCC mall sa lungsod na nagre­sulta sa pagkamatay ng isa-katao at pagkakasugat ng walong iba pa.

Blangko naman ang Ki­dapawan City PNP sa kaso ng biktima pero nangako ang hepe nila na  si P/Chief Insp. Leo Ajero na pag-aaralan ang insidente.  (Malu Manar)

CHIEF INSP

LEO AJERO

MALU MANAR

MELVIN CLARO

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with