^

Probinsiya

Lider ng KMP dinukot

-

CAMP CRAME – Dinu­kot ng mga armadong kala­lakihan ang isang lider ng Kilusang Magdubukid ng Pilipinas (KMP) makaraang ransakin ang tahanan nito sa bayan ng Muñoz, Nueva Ecija kamakalawa ng ma­daling-araw.

Sa text message,  ki­num­pirma ni Carl Ala, spokesman ng KMP ang pagdukot kay Franco Corpus, vice chairman ng Al­yansa ng Magbubukid ng Pilipinas sa Gitnang Luzon-Nueva Ecija Chapter.

Batay sa ulat, ang mga suspect ay nagpakilalang mga rebeldeng New Peo­ple’s Army (NPA) nang pu­masok sa tahanan ni Corpus.

Gayunman, duda na­man si Ala na mga sundalo ng Army’s 71st Infantry Battalion ang nasa likod ng pagdukot kay Corpus alin­sunod sa ‘bloody war‘ laban sa NPA red fighters na idineklara ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr.

Sinabi naman ni AFP- Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Bar­tolome Bacarro na mas­yadong unfair ang nasa­bing paratang lalo pa’t wala naman itong basehan.

Patuloy namang iniim­bestigahan ng mga awto­ridad ang pagdukot kay Corpus upang mabigyang li­naw ang insidente. (Joy Cantos )

vuukle comment

CARL ALA

CHIEF LT

CHIEF OF STAFF GEN

FRANCO CORPUS

GITNANG LUZON-NUEVA ECIJA CHAPTER

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with