AFP vs ASG: 5 todas, 7 pa sugatan
CAMP CRAME – Madugong sagupaan ang naganap sa pagitan ng tropa ng military at mga bandidong Abu Sayyaf Group sa kagubatan ng Maimbung, Sulu kung saan dalawang sundalo at tatlong Sayyaf ang namatay habang pito namang kawal ang iniulat na nasugatan kahapon ng madaling-araw.
Sa isang phone interview, sinabi ni Major Eugene Batara, spokesman ng AFP-Western Mindanao Command, kasalukuyang nagsasagawa ng rescue operation ang pinagsanib na elemento ng Army’s 3rd Light Reaction Company (LRC) at Special Warfare Group (SWAG) ng Philippine Navy sa kinidnap Tsinoy trader na si Rosalie Lao nang makasagupa ang mga kidnaper sa liblib na bahagi ng Barangay Ipil.
Sinabi ni Batara, na ang mga bandidong nakasagupa ng mga sundalo ay grupo nina Abu Sayyaf Commanders Albader Parad, may pa tong sa ulong $ 15,000 at Dr. Abu Pula, $ 10,000 na kap wa natukoy na dumukot sa biktima noong Lunes ng Enero 28 sa kapitolyo ng Jolo, Sulu.
Pansamantalang hindi muna tinukoy ni Batara ang mga pangalan ng mga napatay na sundalo habang ang mga sugatan ay isinugod naman sa ospital.
Narekober sa encounter site ang isang M16 rifle at ang bangkay ng tatlong Abu Sayyaf na inabandona ng mga nagsitakas nilang kasamahan. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending