Humoldap sa Cafe napatay
Bacoor,
Kinilala ni Superintendent Mario Reyes, Bacoor police chief, ang mga suspek na sina Herry Sa miano, Aris Basal Landicho, 27, ng 439 Alapan C- Imus, Cavite at isang lalaki na nakilala lamang na Rudy na taga Binakayan, Kawit, Cavite.
Ayon sa ulat ng pulisya, hinoldap umano ng tatlo ang JOLOMAT INTERNET CAFE sa Karus Park Molino 1 na pag-aari ni Socorro Simero.
Sa isinagawang hot pursuit operation, agad ding naaresto sina Samiano at Landicho pero nakatakas naman si alias Rudy.
Subalit habang isinasakay na umano ang dalawang suspek sa police mobile patrol, nagawa umanong agawin ni Samiano ang baril ni PO3 Joel Palmares, hanggang sa barilin ni Superintendent Mario Reyes si Samiano na naging sanhi ng kanyang kamatayan. (Arnell Ozaeta at Cristina Timbang)
- Latest
- Trending




















