^

Probinsiya

Nene ni-rape, kinatay ng 3 adik

- Joy Cantos -

CAMP CRAME – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang batang babaeng hinalay muna kung saan hinataw ng bato sa ulo, inukit ang mata at pinutulan pa ng mga daliri at kamay ng tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na adik  sa droga sa bayan ng Milagros, Masbate ka­makalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Celeste Serami ng isang residente sa lugar na na­ngunguha ng talbos ng kang­ kong sa likuran ng eskuwe­lahan sa Barangay Bara pasado alas-7 ng umaga.

Base sa imbestigasyon, bago mapatay ang bikti­mang grade IV pupil, du­malo ito sa sayawan mula sa kan­yang tinitirhan sa Barangay Agojo Malbog sa bayan ng Cawayan noong Linggo ng gabi kung saan pinani­niwalaang ina­bangan ito ng mga suspek.

Sa salaysay ng mga kaibigan ng biktima, nag­paalam sandali sa kanila ang biktima upang jumingle sa madilim na sulok sa nasabing lugar.

May teorya ang pulisya na sinunggaban ng mga suspek ang biktima saka kinaladkad sa bakanteng lote kung saan ito halin­hinang ginahasa matapos tutukan ng patalim at pag­bantaang papatayin.

Napag-alamang nakilala naman ang mga suspek dahil may nakakitang tes­tigo na kinakaladkad ang biktima  noong  gabing ma­ganap ang krimen.

Sa follow-up operations ng pulisya nasakote ang mga suspek na sina Rene Baes, Lolito Langurayan at Eduardo Sulat na  pawang kinatatakutang adik sa kanilang lugar.

BARANGAY AGOJO MALBOG

BARANGAY BARA

CELESTE SERAMI

EDUARDO SULAT

LOLITO LANGURAYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with