^

Probinsiya

Nene ni-rape ng 3 kalaro

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nabahiran ng masaklap na karanasan ang murang pagkatao ng isang limang taong gulang na babae matapos halinhinang halayin ng kanyang kalarong tatlong batang lalaki sa bayan ng Rosario, Cavite kama­ka­lawa.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Ricardo Padilla, Region 4 police director, naglalaro ng bahay-bahayan ang biktimang itinago sa “Marah” kasama ang tatlo pang menor-de-edad na lalaki na may edad na 7 hanggang 13-anyos nang magkayayaan sa ba­kanteng lote at naisagawa ang panghahalay.

Labis-labis naman ang paghihinagpis ng ina ni Marah matapos matagpuan ang kanyang anak na puro bahid ng dugo ang damit mula sa ari nito. 

Sa isinagawang medical examination, nagtamo ng laceration ang ari ng bata na palatandaang ginahasa.

Mariin namang itinanggi ng tatlong lalaking bata na ginahasa nila si Marah subalit sasailalim pa rin sila sa pangangalaga ng DSWD habang nireresolba ang kaso sa  hukuman.

May posibilidad namang nagawa ng tatlo ang kahalayan sa paga-akalang isa lamang itong laro matapos na makapanood ng malalaswa at nagkalat na bold magazine na binabasa ng ilang miyembro ng kanilang pamilya. (Arnell Ozaeta at Joy Cantos)

ARNELL OZAETA

CAVITE

CHIEF SUPT

JOY CANTOS

MARIIN

NABAHIRAN

RICARDO PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with