^

Probinsiya

‘Ugnayang militante’ sa vice mayor slay

-

Sinisilip ngayon ng mga awtoridad ang alyansa sa pagitan ng vice mayor at aktibistang grupong may ugnayan naman sa mga rebeldeng New People’s Army sa motibo ng pamamaslang noong Biyernes ng hapon sa naturang opisyal ng local na pamahalaan ng Dimasalang, Masbate.

Ito ang nabatid makaraang lumutang na posibleng alitan sa pagitan ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan at military kaya pinaslang si Dimasalang Vice Mayor Regolo Moran.

 Si Moran ay pinagbabaril ng isang ‘di-kilalang lalaki na naglakad lamang sa pasilyo ng munisipyo ng Dimasalang kung saan dalawa  sa mga staff ng nasabing opisyal ang nasugatan at idineklarang nasa kritikal na kondisyon.

 Nabatid na ang biktima na pinaniniwalaang kaalyado ng mga militanteng grupo at bunga nito ay nakaalitan ng ilang opisyal ng militar sa kanilang lalawigan kaugnay na rin ng counter-insurgency operation ng pamahalaan.

 Lumilitaw pa sa imbestigasyon na ang nasabing opisyal ay nakatakdang magtalumpati sa programa ng mga lokal na aktibistang grupo sa kanilang bayan nang paslangin. Joy Cantos at Ed Casulla

BIYERNES

DIMASALANG

DIMASALANG VICE MAYOR REGOLO MORAN

ED CASULLA

JOY CANTOS

LUMILITAW

NEW PEOPLE

SI MORAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with