2 pang kinidnap laya na
KIDAPAWAN CITY – Pinalaya na noong Biyernes ng mga kidnaper ang dalawang natitirang kidnap victim na dinukot noong Linggo ng Dec 2 sa bahagi ng highway na sakop ng Datu Paglas, Maguindanao.
Sa pahayag ni P/Supt. Danilo Bacas, spokesman ng PNP-ARMM, na ang mga biktimang sina Marvin Roy Fruto, 22, ng Toril, Davao City, at Anna Marie Supe, 29, ng Sandawa Homes, Kidapawan City, ay pinalaya ng grupo ni Commander Mayangkang Saguile sa abandonadong cottage sa Barangay Tadulman sa Sultan sa Barongis, Maguindanao, dakong alas-8 ng gabi noong Biyernes.
Gayon pa man, tumanggi si Bacas na sabihin kung may ransom na ibinayad ang pamilyang mga biktima kapalit ng kalayaan ng da lawa.
Sa isinagawang massive joint manhunt operations ng pulisya at ng Philippine Army na sinimulan noon pang December 2, nasukol ng mga awtoridad ang grupo ni Saguile kaya’t napilitan ito na isuko ang dalawang biktima na pinaniniwalaang nagpalipat-lipat ng kuta sa Liguasan Marsh sa hangganan ng Maguindanao at Sultan Kudarat.
Walang naarestong miyembro ng kidnap-for-ransom gang ang mga awtoridad matapos ang operasyon.
Sa tala ng pulisya, hinarang at dinukot ang anim na biktima kabilang na ang distributor ng cosmetic products na si Nelson Fruto, habang binabaybay ang Paglas banana plantations sa may Barangay Tamburong, Datu Paglas, Maguindanao.
Agad dinala si Nelson Fruto, at lima pang mga sakay ng sasakyan, sa bahagi ng Paglat, Maguindanao, hanggang sa sila’y makarating sa Liguasan Marsh.
Pinalaya ang apat sa anim kinabukasan, pero tangay na nila ang P.2 milyong koleksyon ni Nelson Fruto at ang pulang Strada pickup. Malu Manar
- Latest
- Trending