Mag-aama, 3 pa dinukot
Kabilang sa mga biktimang dinukot ay sina Nestor Fruto, 52, distributor ng Realize Personal Collection, at residente ng NHA Village, Bangkal, Davao City; anak na sina Marvin Roy, 22; Neselene, 21; at mga kawaning sina Elmarie Jones Gocong, 21, ng Dacoville, Toril, Davao City; Anna Marie Supe, 29, ng Sandawa Homes, Kidapawan City; at si Melvin Camacho, 24, ng Samal City.
Ayon sa ulat ng pulisya sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), hinarang ang sasakyang Strada pickup (LFY 105) ng mga biktima sa may highway na sakop ng nabanggit na bayan.
Napag-alamang nagmula ang mga biktima sa isang product demonstration sa
Nabatid sa pulisya na may cash collections na P.1 milyong dala si Nelson nang maganap ang insidente.
Ayon pa sa ulat, nakasunod sa sasakyan ng mga biktima ang isang puting Isuzu elf (REG 568) na naglalaman ng mga produkto ng Realize Personal Collections.
Sa salaysay ng elf truck driver na si Jake Estilloso, namataan niya na pinara ang sasakyan ng mga biktima sa bahagi ng banana plantation at naghinala siya na may nangyayari dahil sa kakaibang pagkaway ni Marvin Roy na anak ni Nelson.
Dakong alas-5:30 ng hapon, nakapag-text pa ang isa sa mga biktima na si Jones kay Rene Enoya at sinabing kinidnap sila hanggang sa tuluyang hindi na sumagot.
Kaagad naman naipagbigay-alam sa pulisya ni Es tilloso ang insidente kaya nagsagawa ng rescue operations ang mga awtoridad.
Hanggang sa sinusulat ang balitang ito, wala pang natatanggap na ransom demand ang mga kaanak ng mga biktima mula sa mga kidnaper. Dagdag ulat ni Danilo Garcia
- Latest
- Trending